Zambales hmmmp....! Isipin mo pa lang APAKERO sa salita pa
lang na "zamba" (samba) which is literal means sa ating mga Pilipino
na Pagpupugay, Pagsaludo o Pagpuri ay perfect talaga ang lugar na to kung trip
mo ang isang na pa ka gandang adBEACHture escapade na lahat ng expectation mo
ay kayang tumbasan ng mga nag gagandahang cove na matatagpuan sa San Antonio Zambales.
![]() |
| NAGSASA COVE |
Mahaba man ang magiging biyahe namin from manila going to
San Antonio Zambales alam ko naman magiging worth it ang lahat ng pagod namin
sa biyahe na aabot mula 4 hours to 5 hours. Marami na akong naririnig at
nababasang magagandang comments, reviews at feedback sa ANAWANGIN COVE at
NAGSASA COVE kaya sa bus pa lang di ko na maitago ang excitement na marating
ang dalawang sa mga maraming cove at isla na pepedeng puntahan sa San Antonio Zambales.
Around 10:00 pm na kami na karating sa Victory Liner Bus Terminal sa Pasay
medyo delikado na makasakay pa kami dahil fully book na ang last trip na bus na
sasakyan namin. Pero buti na lang at naisingit pa kami as a chance passenger
medyo di man ganun ka comportable ang aming kinalalagyan sa pinaka dulong upuan
ng bus no choice kundi mag tiis para lang makating sa expected time of arrival namin sa San Antonio, past 3:00 a.m ng dumating kami sa San Antonio at salamat sa na
pa ka accommodating na si sir conductor sa kanyang time to time update ng mga
lugar na nadadaan ng bus kaya kahit first time naming pumunta doon na wala ang aming pagkabahala na baka maligaw o mali ang lugar na bababaan namin buti na lang kahit naka tulog kami sa biyahe di kami nakalimutang e appoarch ni kuyang conductor at ginising sa medyo may kalapitan na ng aming bababaan. Kaya wala kayong
ikakabahala dahil friendly at mararamdaman mo talaga ang GOOD at QUALITY service
ng Driver at Conductor ng Victory Liner Bus.
Para sa iba pang Detalye pwede nyo bisitahin ang website ng Victory Liner
http://www.victoryliner.com/
![]() |
| VICTORY LINER BUS TERMINAL, PASAY CITY |
![]() |
| TALI SA HALAGA NGA PAMASAHE |
Para sa iba pang Detalye pwede nyo bisitahin ang website ng Victory Liner
http://www.victoryliner.com/
Sa mismong waiting shed kami ng San Antonio ibinaba ni
manong driver at sa likod ng waiting shed ay ang Munisipyo ng San Antonio
Zambales.
Pagbaba pa lang naming sa bus ay meron na agad lumapit sa amin na tricycle driver na nag ooffer para kami ihatid sa Pundaquit, pero hindi muna kami agad sumakay ng tricycle pumunta muna kami ng palengke na nasa likuran lang ng Munisipyo para bumili ng aming pagkain na kakailanganin namin. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit maraming magagandang na tatangap na comments, reviews at feedback ang mga Attraction sa Zambales dahil na rin sa maganda ang pakikitungo ng mga Tao sa mga katulad naming Local at maging sa Foreign Tourist. Yung smile nila yung pag approach nila na sobrang labing nakakadagdag points Para mas lalo ka ganahan na eexplore pa ang buong Lugar ng Zambales. Matapos ang Isang oras na pag iikot at pamimili ng kung anu anu ay bumalik na kami ng Waiting Shed at dahil malapit na rin mag 5:00 a.m sumakay na kami ng Tricycle papuntang Pundaquit. Ang Pundaquit ay ang jump off point para marating mo
ang Nagsasa Cove.
| MUNISIPALIDAD NG SAN ANTONIO, ZAMBALES |

| BRGY. PUNDAQUIT , ZAMBALES |
Matapos naming ma set, ma settle at ma ayos ang usapan sa
aming package na kinuha sa Pundaquit
Nag quick breakfast muna kami hindi mo proproblemahin ang
makakainan sa lugar dahil along the way
sobrang daming bukas na tindahan na pepede mo kainan.
Boatman Mang Vic(+639297170739). Isa sa mga Bangkero na pepede nyong kontakin pag dating nyo sa Pandaquit
![]() |
| BANGKANG DE MOTOR |
![]() |
| APAKERONG JORLENE, AKO AT SI KUYA BANGKERO |
Kulang kulang isang oras ang biyahe ng bagka mula sa
Pundaquit jump off point papuntang Nagsasa
Cove pero maari ring lumampas pa ng isang oras depende sa laki ng alon at lagay
ng panahon. Pero Apakero mahaba man ang dagat na binaybay ng bangka namin di
naman kami nakaramdam ng pagkainip sa naging biyahe dahil bukod san
enjoy tingnan pero medyo aminin ko may
konting pitik ng kaba ang blue water crystal clear na dagat ay manghang mangha
din ako sa ganda ng mga views ng mga cove na nadadanan ng aming Bangka papuntang
Nagsasa at dagdagan pa ang iba’t ibang rock transformation sa gilid ng mga bundok
at isla kaya naging sulit talaga ang paklalabay namin papunta pa lang sa
Nagsasa
![]() |
| PAGLALAYAG |
![]() |
| MAGAGANDANG TANAWIN SA GILID NG BUNDOK |
Dahil sa mga nakita ko na nag gagandahang tanawin mula sa
umpisa pa lang ng aming paglalayag hanggang sa pagdating namin sa Nagsasa Cove
mas lalo pang domoble ang aking pananabik dahil tunay nga na walang tulak
kabigin na ang Nagsasa ay isang napakagandang lugar na di mo pagsisihan na
puntahan. Kahit sa medyo kalayuan pa lang ng dalampasigan ng Nagsasa mapapa wow
kana sa ganda nito at at kitang kita rin ang ilalim ng dagat mula sa bangkang
de motor na sinasakyan namin.
At sa kaunaunahang pagkakataong ng UNANG APAK NG AKING
TSINELAS sa Nagsasa mga Apakero gumuhit sa aking mga labi ang isang ngiti na kalian
man di ko makakalimutan, dahil iba ang hatid ng saya at dulot nitong ligaya pag
naiapak muna ang iyong tsinelas sa destinasyon na nais mong marating. Gumugul man
kami ng ilang oras sa biyahe, nagpigil ng tawag ng kalikasan sa kalagitnaan ng
paglalakbay, medyo nabutas ang bulsa dahil sa may kalakihang gastos pero
apakero rewarding naman ang lahat at anu mang pagod, gastos at oras na inilaan namin sa paklalakbay na ito ay 100% garantisadong satisfied at sulit lahat.
Ang malapulbos na buhangin ng isla na medyo di man kasing puti
ng buhangin sa Boracay ay swak na swak pa rin at komportable lakaran kahit na
nakayapak. At idagdagmo pa ang mala tsokolateng kulay ng bundok na nakapaligid
sa kahabaan ng dalampasigan. Masasbi ko perfect place talaga ang Nagsasa marami
kang pedeng gawin bukod sa mag Swimming, pede rin mag Trekking at Trip mo ng
mahabang lakaran the best din puntahan ang Falls sa Nagsasa, ma eenjoy mo rin
ang ganda ng paglubog ng araw lalo na kung
e ta-timing mo ang pagakyat sa bundok sa na lalapit na Sunset kitang kita
mula sa taas ng bundok ang unti unting pag lubog ng araw. Tuluyang mang lumubog ang araw at balutin ang buong paligid ng dilim ay di pa natatapos ang mga posibleng gawin marami pang pede
eexplore at dahil hindi pa masyado
develop ang Nagsasa tanging Solar Power at Generator lang ang nagbibigay ilaw
sa mga malilit na tindahan meron sa Nagsasa. Pero walang dapat ikabahala dahil pede pa rin ma eenjoy ang buong
gabi sa Nagsasa kung ikaw ay song lover at trip mo kumanta may available video-oke
rental sa mga tindahan, at kung hilig nyo ay mag emo at pag usapan ang mga
nakalipas na moment sa buhay nyo e perfect na mag set-up ng bonfire at sabayan
ng malamig na inumin na gusto nyo tungain. pero syempre paalala lang wag masyado mag pakalasing para mas ma enjoy mo pa kinabukasan ang gand ng pagsikat ng araw sa Nagsasa.
![]() |
| KAMPO |
Tanawin mula sa Kaliwang bahagi ng Dalampasigan
Tanawin mula sa Kanang bahagi ng Dalampasigan
Pasilidad sa Pambebe Camp Site
Paupahang Bangkang de Motor
Tanawin sa Harapang bahagi ng Dalampasigan
Tent
Tanawin mula sa Tuktok ng Bundok
Tanawin sa Gitnang bahagi ng Nagsasa mula kuha mula sa taas ng Bundok
Kabuoang bahagi ng Dalampasigan ng Nagsasa Kuha mula sa Tuktok ng Bundok
Sa taas ng Bundok
Sa ibabaw ng kapatagan
Ang Paglubog ni Haring Araw kuha mula sa Tuktok ng Bundok
Pagpigil sa paglubog ng Araw
Takip Silim
Si Mary Jane ang anim na taong gulang namin na tour guide sa pag akyat ng Bundok
Ang tuluyang pag agaw ng Dilim sa Liwanag
Ang magandang tanawin sa harapan Dalampasigan Habang Palubog ang araw
Bonfire
Bonfire
Paghahanda ng Haponan
Bulalo para sa Hapunan swak sa Malamig na simoy ng Hangin
Napatalon sa Ganda
Tampisaw
SIDE TRIP SA ANAWANGIN
https://www.facebook.com/jorlz.delara/videos/vb.100001253530179/1156946837690423/?type=3&theater
Mga Tips na Dapat Tandaan sa pag Punta sa Nagsasa
1. Magsuot ng Komportableng kasuotan na nababagay sa lugar
na pupuntahan, Mas mainam kung mang short at tsinelas dahil asahan na sa pagsampa
pa lang sa Bangka ay mababasa ka ng tubig.
2. Walang Signal sa Isla
3. Asahan ang limited source ng kuryente, Tanging piling Camp Site lang ang na ka ka provide ng kuryente gamit ang kanilang install solar panel na pinagkukunan nila ng enerheya upang magkaroon ng ilaw sa gabi, Maari kayo magdal ng de bateryang lampara kung nais nyo makatipid at ayaw nyo gumastos ng extra para sa kahoy upang makagawa ng siga na magsisilbing liwanag.
4. Magdala ng mga Lotion na pangontra sapag ka Sunog sa Balat at Kagat ng mga Insekto.
5. Wag Bayaran ng buo ang napagusapang halaga sa pag renta ng Bangka, Mag Deposito lang ng kalahati sa halaga ng kabuohang renta kung kinakailangan, Upang maiwasan ang anumang pag kabahala at pagaalinlangan kung kayo ba ay babalikan ng bangkang nag hatid sa inyo.
6. Maging Masinop sa paggastos maraming alternatibong pepede gawin na mas mura at pareho lang ang saya ng experience na maibibigay, maging mapanuri, mapag alam.
7. Tandaan na ang paglalakbay papunta sa Nagsasa Cove ay isang Camping Trip. Maghanda sa anumang posibleng ma encounter at dapat marunong ka maki Bagay sa Kalikasan.
8. Maging Responsible sa mga nakikita sa kapaligiran, Kapakanan mon a pangalagaan ang mga bagay na nasa kapaligiran ng Nagsasa, Iwasang Magkalat o Mag iwan ng kalat sa anumang lugar ng Nagsasa upang ma panatili ang Ganda nito.
9. Sumunod sa mga Patakaran at Alintuntunin ng Nagsasa.
10. Upang maging Sulit ang Pagpunta nyo sa Nagsasa iwasang Uminon ng maraming Alak sa gabi.
11. At ng pinakahuli mapakasawa at magsaya.

Kabuohang Magagastos sa Nagsasa Cove sa Bilang na Apat
P280 Pamasahe sa Bus
Paputang San Antonio, Zambales
280
x 2 = 560 Balikan
P30 Pamasahe sa Trycycle Papuntang Pundaquit
30
x 2 = 60 Balikan
P100 Cottage “Pambebe Camp Site” Libre Hiram ng Kahit anung
Gamit Pangluto
P100 Bayad ng Entrance sa Nagsasa Cove
P1800 Renta ng Bankang de Motor tama lang sa apat
P500 Dagdag na Halaga para sa Side Trip “Anawangin Cove”
P250 Bonfire
P25O Tent kasya lang ang Dalawa
P200 Yelo + Libre ang 5litro na tubig o isang kontener.
Kabuohan: P1425 bawat isa hindi pa kasali ang gastos para sa
Pagkain.
ITIRENARYO SA NAGSASA COVE
ITIRENARYO SA NAGSASA COVE
UNANG ARAW
22:00 ETD Victory Liner, Pasay City’ Huling Biyahe Papuntang
Iba, Zambales
3:30 ETA San Antonio, Zambales. Bumaba sa mismong Munisipyo
ng San Antonio
3:30 - 4:30 ETA Mamili ng mga Kakailanganing Pagkain sa
Palengke
5:00 ETA Sumakay ng Trycycle papuntng Brgy. Pundaquit. At Pagdating
agad na Makipag Transakyon para sa
Bangkang rerentahan
5:15 - 5:30 ETA Mabilisang Pagkain ng Agahan
5:30 – 6:00 ETA Pagaayos at Paghahanda ng mga Kagamitan
6:00 ETD Simula ng Paglalayag Papuntang Nagsasa Cove
7:00 ETA Nagsasa Cove Umpisa ng pag aayos ng mga Gamit at
pag buo ng mga Tent na tutulugan
8:30 ETA Pahinga at Piktyur Piktyur
11:20 ETA Pag hahanda ng lulutuin para sa Tanghalina
12:00 ETA Tanghalian / Kwentohan at Konting Tagay/ Pahinga
15:00 Simula ng Pag
lalakad lakad at Padidiskubre
17:00 Akyat sa Bundok para Abangan ang Paglubog ng Araw.
18:00 Balik sa Kampo at Mag hahanda para sa Hapunan
20:00 Hapunan / Pagsisiga (Bonfire) / Kwentuhan / Tagay
23:00 Oras na ng Pagtulog
PANGALAWANG ARAW
5:30 Oras ng Paggising
6:00 Ligo habang Pinapanuod ang Pagsikat ng Araw
8:30 Agahan
9:30 Libreng Oras para mag Piktyur Piktyur
11:00 Maligo Maghanda para sa Tanghalian
12:00 Tanghalian
13:00 Pag empake
14:00 ETD Nagsasa Cove.
14:30 ETA Anawangin Cove / Akyat sa Bundok / Piktyur Piktyur
16:00 ETD . Anawangin Cove
16:30 ETA Brgy.Pundaquit
16:45 ETD Brgy. Pundaquit sakay ng Trycycle papuntang San
Antonio
17:00 ETD San Antonio. Sakay ng Bus papuntang Olongapo. At pede
rin Bus na deretso na Cubao / Pasay
23:00 ETA Victory Liner Bus Terminal, Pasay City

<3
TumugonBurahinGanda
TumugonBurahin