Hindi ko pa narating ang lugar na yun, Ito ang magiging kaunaunahan kung punta and tanging alam ko lang sa lugar isa ito sa pinaka sikat na destinasyon sa Pangasinan at kilala rin ito sa buong Bansa. Bata pa lang ako madalas ko na nababasa at naririnig ang One Hundred Island sa mga Aklat kaya minsan ko na talaga pinagarap na marating ang lugar ng Alaminos Pangasinan upang masilayan ang ganda ng One Hundred Island at sa di inaasahang pagkakataon ang minsan kung inasam sa matagal na panahon ay maisasakatuparan ko na ngayon. Marami pa ako naririnig tungkol sa mga sikat na atraksyon sa lugar kaya mas lalo umigting ang aking pananabik na makarating sa Alaminos kahit pa alam ko na ang magiging paglalakbay namin ay di madali dahil mag ko-commute lang kami.
At dahil nasa bahaging Norte ng Luzon ang Pangasinan, Natural lang na sa mga Bus na Bumibeyaheng pa Norte ang sasakyan namin.
Sa mga manggagaling ng International o Domestic Airport sa Pasay na ang pakay ay pumunta sa Hundred Island Alaminos Pangasinan maari nyo sundin ang mga direksyon na isusulat ko. Makakatulong din ang pag gamit ng Google Map upang matukoy ang iyong kinalalagyan sa layo ng lugar na iyong pupuntahan.
https://www.google.com.ph/maps/dir/NAIA+Terminal+1,+Pasay,+NCR/Victory+Liner,+Epifanio+de+los+Santos+Avenue,+Pasay,+NCR/@14.5232125,120.9866323,14z/data=!3m1!4b1!4m13!4m12!1m5!1m1!1s0x3397cebdd7826503:0xa5ae37e49978b77d!2m2!1d121.0043165!2d14.5064149!1m5!1m1!1s0x3397c946ea17b41f:0xcf3fb47ddbc7ed06!2m2!1d121.0065417!2d14.5385208
NAIA Terminal 3 to Victory Liner Bus Terminal Pasay
Mula Airport maari kayo sumakay ng Tram hanggang Pasay Rotonda at mula Pasay Rotonda pede nyo na lakarin mula sa binbaan nyo patungo sa Terminal ng Victory Liner, Isa pang opsyon na pepede mo gawin kung ayaw mo mag antay ng Tatlompung minuto para sa interbal na dating ng Tram ay mula NAIA Terminal 3 pepede nyo lakarin palabas hanggang marating ang kalye ng Andrews Avenue at doon maari ng sumakay ng jeep papuntang Pasay Rotonda.
Paalala lang: Kung di mo tiyak ang lalakaran mo patungo sa Bus Terminal mula sa binabaan mo sa Pasay Rotonda siguraduing magtanong at mas makakabuti kung may makitang Pulis sa lugar ay doon na lang mag tanong upang maiwasan ang di inaasahang pangyayari.
Pamasahe sa Tram: 20
Pamasahe sa Jeep: 7
At kung nais mo naman mag Taxi mula sa Paliparan hanggang sa Terminal ng Bus asahan mo na ang may kalakihang bayad na aabot sa halagang P150 - P200
kahit pa ito ay may kalapitan lang at naka metro dahil sa iba ang panimulang Flag rate ng mga Taxi na nasa loob ng Paliparan kumpara sa mga ordinaryong Taxi na nasa labas.
Ang mga pasehero naman na maggaling sa parteng south ng kamaynilaan maari nyo rin sundin ang dereksyon nato. At ang mga pasahero naman na nag mumula sa Maynila at ilang malapit na lugar na sakop nito may mga Terminal din ng bus na biyaheng pa Norte sa bahagi ng Kalookan at Malabon at sa kahabaan ng Doroteo Jose sa Maynila, Ang sakop naman ng Pasig, Ortigas at ilang lugar na malapit dito ay maaring sumakay sa mga Terminal ng Bus na nasa Cubao.
![]() |
| Taripa ng Pamasahe Papuntang Pangasinan |
Maraming Kompanya ng Bus na Bumibiyahe pa Norte at ilan sa mga ito ay ang Victory Liner Bus, Dagupan Bus Express, Five Star Bus, First North Luzon Transit at Genesis. Mayroong Regular at Aircon Bus na pagpipilian. Maliban sa Biyaheng Pangasinan ang mga Bus rin na ito ay Bumibiyahe rin sa iba pang parteng lugar ng North Luzon gaya ng Baguio, Ilocos, Zambales, Tarlac, Abra etc.
Paalala lang: Tiyakin ang Rota ng Bus kung saan ang Destinasyon nito dahil mayroon pagkakaiba sa dadaanan nito.
Pindutin ang Link para sa dagdag kaalaman tungkol sa Hundred Islands
Ang Biyahe Maynila papuntang Alaminos Pangasinan ay umaabot ng 7 hanggang 8 oras depende sa takbo ng Bus at kung mamalasin at maipit sa trapik sa kahabaan ng Edsa higit pa sa walong oras ang aabutin. May interbal na apat napung minuto ang alis ng mga Bus.
Posibleng sa TPLEX ang rota na dadaanan ng Bus. Ang TPLEX ay pangunahing kalsada rin na dadaanan patungong Tarlac at La-union.
Umaasa ako na nakatulong ang aking isinulat sa pag pa plano nyo ng Biyahe patungo sa Hundred Island Alaminos Pangasinan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento