Huwebes, Agosto 4, 2016
Unang Tenta
Isa akong bagohan sa mundong ito ng mga blogger, nangangapa wala pang malawak na karanasan kaya umaasa na lang minsan sa mga tutorial video na aking napapanuod sa iba't ibang web site, at syempre sa tulong na rin ng aking sarili na hindi sumuko at nag tiyagang busisihin lahat ng posibleng dapat alamin para makagawa ng blog, heto ako ngayon sa kaunaunahang pagkakataon isinusulat ang unang post ko para sa aking blog. Gumugol din ako ng mahabang oras para masimulan ang lahat ng ito pero sabi nga sa kasabihan kapag walang "tiyaga walang nilaga" at nag ka taon pa un ang ulam namin ngayong tanghalian hehehehe na isingit ko pa. Pero masarap din pala sa pelings na nauunawaan mo ung gusto mo sa sarili mo at iba rin sa pakiramdam na nabibigay mo yung ninanais mong gawin, habang pumipindot ako sa aking key board ang bilis ng takbo ng isip ko parang nag hahabol na maka gawa ng istorya na pepedeng ilagay sa kaunaunahang post ko sa blog ko. at nakakaaliw ng sobra dahil trip ko rin ang mag kwnto ng mag kwento at siguro malaking bagay na ang posibleng kwento na gusto ko iparinig sa mga tao na na ka paligid sa akin ay ngayon di na malilimitahan kung ilan lang sila dahil maaring ma eshare ko na lahat ng kwento ng mga na eexperience ko sa bawat habang ng pag apak ng aking tsinelas sa mga taong makakabasa ng aking mga post sa blog ko.
Ako kasing tulad mo rin, madaming trip sa buhay at lahat ng yun gusto kung sakyan, ayaw ko mag paiwan sa kawalan na tipong matanda kana wala ka pang naisakatuparan. iba iba lang siguro tayo ng gusto meron iba nag papayaman ng husto, ang iilan konti na sa simpleng buhay kasama ang pamilya, at karamihan ang iba puspusan sa trabaho at wala ng oras para sa sarili nilang kasiyahan. Ako di ako makontento sa salitang masaya lang gusto ko na raramdaman ko talaga at na eexperience kaya kahit anung hirap kinakaya kung maisakatuparan ang mga bagay na nais ko dahil yun ang kaligayahan ko at walang makakapigil sa akin na isakatuparan ko yun. hanggang kaya ko pa lahat di ako titigil na na i apak ang aking tsinelas sa lugar na gusto ko marating at mag iwan doon ng bakas ng kasiyahan na babaunin ko hangang sa huling hininga na meron ako sa mundong ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento